Friday, August 10, 2007

Si Katrice




Magandang maulan na araw sa inyong lahat. Isa na namang matangkad na ang aking nakatrabaho nitong linggo lamang. Nangailangan ako ng isang mommy kaya'y si Katrice ang nakatulong sa akin.




Sunday, August 05, 2007

Elitista



Siya si Lay, isang elitista. Nangailangan ako ng isang matangkad na kasamahan sa isang proyekto kaya't siya ang minsan kong nakatrabaho.

Sunday, January 21, 2007

Doble naman

Pagkatapos laman g ng apat na na araw (Nov23)...

Uy dalawa sila!

Si Diana





Nov 19, laban ni Pacman -laban ko rin!

Sunday, October 15, 2006

Si Patring




Noong bago pa man ako nagpunta sa bansang Aleman (ito ay nasa susunod na post) ay aking nakasama si Patring sa isa sa aking mga proyekto at research. Si Patring ay sa kasalukuyang nagaaral sa isa sa mga computer colleges sa Makati. Nakatira siya sa isang condo na malapit rin naman sa kanyang pinagaaralang kolehiyo. Ang kanyang naging partisipasyon sa aking kakaiba na namang imbensyon ay ang epekto ng involuntary muscle contraction (o IMC ) at kung paano ito mako-control. Tila ba baguhan pa lamang siya sa kanyang kakayahan at sa katagala'y magiging bihasa na rin siya dito kung matutupad nya lamang ang aking mga payo na nakasaad naman sa research papers na aking ibinigay sa kanya.

Mahilig din pala si Patring sa bunjee jumping ngunit sa ibang research ko naman ito sa inyo ibabahagi.

Sunday, November 06, 2005

Ang Bagong EXTRA™ Nuclear Bomb !!!


Makaraan ng halos isang buwang paghahanda
Ihinanhandog ang
Bagong
EXTRA™
Nuclear
Bomb
with Insecticide
Narito na po kaibigan ang bago kong imbensiyon na natatangi sa sanlibutan sapagkat ito lamang ay may patented na insecticide. Wala nang iba pang bombang nukleyar sa mundo ang mas epektibo pa sa pagpuksa ng buhay sa sanlibutan sapagkat kahit IPIS patay!!!
Ayon sa pag aaral ng iba't ibang siyentipikong dalubhasa sa epekto ng bombang nukleyar, totoo ngang ang mga ipis lamang at ang mga hayop na tulad nito ang pawang magiging tagapagmana ng sanlibutan sapagkat hindi sila naaapektohan ng mga konbensiyonal na bombang nukleyar.
Sa panibago kong imbensyon na ito, siguradong kahit IPIS ay hindi na magiging tagapagmana ng daigdig.
Simulan na po ninyo ang pag order sa nukleyar na sandatang ito. Ang unang tatlong order ay may libreng remote control sa compatible naman sa EXTRA™ Nuclear Bomb.

Friday, October 14, 2005

Check Operator Services

Malubha ang karamdaman ng aking PIII desktop computer sapagkat hindi na nya kayang ma install ang kahit anong lancard sa kahit saang slot sa loob ng motherboard. Hindi pa naman ako sanay mag post kung ibang computer ang gamit ko ngunit sa tagal nga ng downtime ng jurassic kong computer, napilitan na lamang akong gumamit ng iba.

Abangan na lamang ang pinakamahalagang imbensyon ng dekada, na aking ilalahad sa susunod kong post.

Sunday, September 25, 2005

Labindalawang Oras

Wow! Dalawang linggo ko nang di na update ang site na ito. Totoo ngang nabaling ang mga oras ko sa pangkasalukuyan kong research. Nagbunga rin naman ngunit noong biyernes lamang. Hindi ba't may kasabihan tayong : Pag may tiyaga may nilaga at honesty is the best medicine?

Sept 23, 2005
8:00PM - Chowking Buendia: Doon lang ang antayan
8:45PM - SideBar Malate: Kumain ng spicy beef at pizza, sinimulan na si pareng Light
10:00PM - Unplugged Malate: Tuloy ang inuman. Kasama pa rin si pareng Light at ang mga bago niyang kaibigan na sina Martini (dry), Mai-Tai, Manhattan, at si Tequila Rose (ang pumalit kay Bailey's dahil may sakit). Tumador pala itong si Cookie Chua ng Black Label at tubig (habang kanyang kinakanta ang walang kamatayang Paglisan.

3:30AM - Starbucks Malate: Umalis na si pareng Light at ang kanyang mga kaibigan. Pumalit naman si Cafe Moccha at ang kanyang pinsang si White Choco
7:00AM - Jollibee Guadalupe: Masarap mag almusal ng corned beef at Cheesy Beef Fries?

8:00AM - matapos ng 12hrs: (larawa'y panandaliang inalis) . Umm..