Sunday, September 25, 2005

Labindalawang Oras

Wow! Dalawang linggo ko nang di na update ang site na ito. Totoo ngang nabaling ang mga oras ko sa pangkasalukuyan kong research. Nagbunga rin naman ngunit noong biyernes lamang. Hindi ba't may kasabihan tayong : Pag may tiyaga may nilaga at honesty is the best medicine?

Sept 23, 2005
8:00PM - Chowking Buendia: Doon lang ang antayan
8:45PM - SideBar Malate: Kumain ng spicy beef at pizza, sinimulan na si pareng Light
10:00PM - Unplugged Malate: Tuloy ang inuman. Kasama pa rin si pareng Light at ang mga bago niyang kaibigan na sina Martini (dry), Mai-Tai, Manhattan, at si Tequila Rose (ang pumalit kay Bailey's dahil may sakit). Tumador pala itong si Cookie Chua ng Black Label at tubig (habang kanyang kinakanta ang walang kamatayang Paglisan.

3:30AM - Starbucks Malate: Umalis na si pareng Light at ang kanyang mga kaibigan. Pumalit naman si Cafe Moccha at ang kanyang pinsang si White Choco
7:00AM - Jollibee Guadalupe: Masarap mag almusal ng corned beef at Cheesy Beef Fries?

8:00AM - matapos ng 12hrs: (larawa'y panandaliang inalis) . Umm..

Friday, September 09, 2005

And Bagong EXTRA™ CD-Burner

-
ITINATANGHAL!!
-
ANG
BAGONG...
-
EXTRA™
CD-BURNER
-
-
Malugod kong itatanghal ngayon ang isa sa aking mga pinakabagong imbensyon. Ito ay produkto ng 3 araw kong research sa larangan ng Information Technology. Ito ay ang bagong EXTRA™ CD-Burner. Narito ang specs:
  • 100x Speed
  • works on all types of CDs (CDR, CDRW), DVDs (DVR+/-R, DVD+/-RW, DVDRAM)
  • works even on tapes and vinyls
  • connects via USB, Bluetooth, Wireless LAN , or infraRed
  • tested 100% compatible on all operating systems

Ang kagilagilalas na produktong ito ay maaari nang mabili sa halagang P49,950 lamang. Magpadala lamang ng email sa nasaad na Blog upang makakuha ng espesyal na presyo. Siguradong wala ng mas bibilis pa sa kakayahan ng bagong EXTRA™ CD-Burner (burner, burner.. burner...).

Tuesday, September 06, 2005

Top 10


Tila ba nauuso na talaga ang mga MP3 players na kung saan mailalagay na dito ang ating mga paboritong awitin na maari na nating dalhin saan mang lugar sa kadahilanang ito'y may kaliitan. Sa dami din namang awitin na maari ditong ilagay, hindi kailang mayroon tayong mga awiting ating kinahihiligang pakingggan palagi. Para sa akin nama'y mayroon akong 10ng kinahihiligang kanta sa aking player. Ayon sa antas, ito ay ang sumusunod:

10. 11 AM - Incubus
9. Megalomaniac - Incubus
8. Aqeous Transmission - Incubus
7. Nice to Know You - Incubus
6. Are You In - Incubus
5. Mexico- Incubus
4. Southern Girl - Incubus
3. Drive - Incubus
2. Here in my Room - Incubus

at ang ika-una sa listahang ito:

1. I Know - Yasmien Kurdi

* * *

Kung si Ms. Yasmien na rin ang pag uusapan, hindi kaila sa mga nakamulat ang mata ang malapit na hawig ni Ms. Yasmien kay Josh, ang isa kong bagong kaibigan. Si Josh ay panganay sa anim na magkakapatid at isa siyang Libran. Mahilig ding umawit si Josh ngunit hindi niya kabisa ang sikat na awitin ni Ms. Yasmien. Nakasama ko si Josh sa isa sa aking mga research tungkol sa kakaibang kabutihan ng nicotine sa uterus ng isang babae. Ngunit siya nama'y may ilang bagay ding pinagkakaabalahan noon kaya't ang research na ito ay naudlot at itutuloy na lamang sa katapusan ng taon, na ayon kay Josh ay tunay nya na ngang pagbubuksan ang pagkakataon upang lubusan nang matapos ang aming nasabing research.

Hawig naman kaya ni Ms. Katrina Halili ang nagbibihis sa larawan sa likod ni Josh?

* * *

Samantala, sa bago kong proyekto, nangangailangan naman ito ng partisipasyon ni Ms. Sheree, o malamang, sa tulad ng mga nauna pang pagkakataon, ang kamukha na lamang nito..